Contribute your poetic masterpieces here. Anything and everything is welcome, including clumsy poems that you wrote during first-year high school. Also, feel free to post comments about the other poems that were submitted here.
noon, akala mo hindi na magkakatotoo
noon akala mo balewala lang ito
noon akala mo sya ang mahal ko
akala'y umalis at nilisan ko
akala mo kasi kaibigan lang kita
akala mo kasi hangang doon lang talaga
nung nasakatan ka at humanap ng iba
sayang dun mo lang nalaman kung ano nadarama
sayang sana inamin ko ng maaga
sayang naduwag ako talaga
sana di mo iniisip na sinadya kong saktan ka
sayang sana masaya tayong dalawa
sana malaman mong mghihintay ako
handa akong maghintay na mahalin mo
wag mong isipin may mahal akong iba
ang saming dalawa ay lumipas na
sayang wala na kong magagawa
inakala mong sinadya kong saktan ka
pero sayang dahil mahal talaga kita
pero bakit di pa rin maamin ang nadarama
sayang no? hapi na sana tayo
sayang di ko naamin ang totoo
sayang kasi pareho tayong tanga
kaya ngayon nagpapangap na masaya sa iba
sayang pero salamat na rin
dahil habambuhay na yata kitang mamahalin
maghihintay hangang magsawa ka sa iba
umaasa, nagmamahal, kahit nagdurusa...