TristanCafe Pinoy Poetry Forum

Contribute your poetic masterpieces here. Anything and everything is welcome, including clumsy poems that you wrote during first-year high school. Also, feel free to post comments about the other poems that were submitted here.

TristanCafe Pinoy Poetry Forum
Start a New Topic 
Author
Comment
View Entire Thread
Re: Sayang...

Sayang talaga.

Re: Re: Sayang...

first time ko log-on sa web site na ito.
pero nakita ko kung gaano katototo ang mga tao.
alam ko hindi ko kita kilala pero gusto ko malaman mo
touched ako sa sayang na naramdaman mo.

may mga pagkakataon kasi na hindi natin hawak
yung mga pangyayaring akala natin yun na
pero alam mo bilib ako sayo
ang hirap kaya magparaya ng taong mahal mo

kasi naranasan ko na rin yan e
kala mo yun na,kala mo okey na
yun pala malalaman mo nlng sa huli
puro na lang akala ang pwede mong masabi

wag ka mag-alala
kung kayo naman talaga
gagawa ng paraan ang pagkakataon
tska hindi pa naman siya kasal diba?

-playgirl ng barkada

Re: Sayang...

noon, akala mo hindi na magkakatotoo
noon akala mo balewala lang ito
noon akala mo sya ang mahal ko
akala'y umalis at nilisan ko

akala mo kasi kaibigan lang kita
akala mo kasi hangang doon lang talaga
nung nasakatan ka at humanap ng iba
sayang dun mo lang nalaman kung ano nadarama

sayang sana inamin ko ng maaga
sayang naduwag ako talaga
sana di mo iniisip na sinadya kong saktan ka
sayang sana masaya tayong dalawa

sana malaman mong mghihintay ako
handa akong maghintay na mahalin mo
wag mong isipin may mahal akong iba
ang saming dalawa ay lumipas na

sayang wala na kong magagawa
inakala mong sinadya kong saktan ka
pero sayang dahil mahal talaga kita
pero bakit di pa rin maamin ang nadarama

sayang no? hapi na sana tayo
sayang di ko naamin ang totoo
sayang kasi pareho tayong tanga
kaya ngayon nagpapangap na masaya sa iba

sayang pero salamat na rin
dahil habambuhay na yata kitang mamahalin
maghihintay hangang magsawa ka sa iba
umaasa, nagmamahal, kahit nagdurusa...