TristanCafe Pinoy Poetry Forum

Contribute your poetic masterpieces here. Anything and everything is welcome, including clumsy poems that you wrote during first-year high school. Also, feel free to post comments about the other poems that were submitted here.

TristanCafe Pinoy Poetry Forum
Start a New Topic 
Author
Comment
Blangko Na Naman Ako...

Kanina lang…
Nandyan ka pa…
Tapos lumingat lang ako…
Nawala ka na…

Akala mo ba masaya ako?
Akala mo ba gusto kong makita kang malayo?
Hindi ko lang sinasabi…
Na kapag wala ka dito…
Lahat- lahat na lang,
parang nagiging blangko…

Naalala ko pa nung katabi kita…
Minsan magugulat na lang ako,
nakatingin ka na pala…
Naalala mo ba ‘yun…
‘yung oras na nag- uusap tayo
Kung nalaman ko lang ng mas maaga,
hindi na sana ganito

Minsan nakikita kita…
Masaya ka, habang kasama mo’y iba…
Naisip kong sana… ako na lang sila…
Para naman kahit saglit ay makasama ka…

Kapag dumadaan ka…
Hindi kita pinapansin…
Kasi gusto kong malaman
Kung ako’y naaalala mo pa rin…

Kaya lang, walang epekto…
Parang hindi ako nabubuhay sa mundo mo…
Parang wala akong halaga kahit na nandito…
Bakit ganoon… bakit kailangang lahat ay magbago?

Oo na, inaamin ko…
Na sana nga ikaw ay nandito
Akala mo ba hindi kita naiisip?
Akala mo ba madali lang para sa akin kapag hindi kita nakakausap?

Ayoko lang sabihin…
At ayoko lang aminin…
Pero ang totoo…
Sa bawat sandaling naaalala kita…
Naiiyak na lang ako…

Kahit nga panay ang biro nila sa akin
Hindi na lang ako nagsasalita…
Hindi ko na lang pinapansin
Ayoko kasing isipin na wala ka na nga sa akin…

Pinilit naman kitang kalimutan ah!
Kaya lang… ang daya mo! Ba’t hindi ko magawa!

Sa bawat araw ‘ata…
Na pinipilit kong huwag kang isipin
Lalo ka namang napapamahal ng lubusan sa akin…

Sige… tumawa ka…
Ganyan ka naman e…
Lahat ng sinasabi ko
Hindi mo sinisiryoso

Bakit ba parang sa tuwing sasabihin ko
Na mahalaga ka sa akin
Hindi mo ako pinapakinggan
Ang malupit pa… tatawanan mo ako…

Akala mo ba hindi masakit?
Akala mo ba hindi ako nasasaktan?
Akala mo ba gusto ko ng ganito?
Akala mo ba natutuwa ako?

Oo nga naman…
Sino nga ba ako para pansinin mo?
Sino nga naman ako para isipin mo?
Wala naman ako mahalaga para sa’yo, hindi ba?
Hindi naman ako ang gusto mo, tama ba?

Malayo ka na…
Hindi na nga siguro kita maaabot…
Hindi na nga siguro ako ang gugustuhin mo…

At kung babalik ka man
Siguro wala na ako para tumabi sa’yo…

Sorry ha?
Wala kasi akong kayang gawin…
Wala akong kayang patunayan…

Maliban sa isang bagay na hanggang ngayon
ay nararamdaman ko…
Kahit hindi ko naiintindihan…
Kung bakit nga ba…

Gusto kong malaman mo…
Ikaw ‘yung taong naging dahilan
Kung bakit pa ako nandito…

Kung bakit ako sumasaya…
Kung bakit lahat ng bagay
Sa paningin ko ay gumaganda

Oo na… Aaminin ko…
Mahal kita…

Re: Blangko Na Naman Ako...

Sayang talaga. However, you need to move on.