TristanCafe Pinoy Poetry Forum

Contribute your poetic masterpieces here. Anything and everything is welcome, including clumsy poems that you wrote during first-year high school. Also, feel free to post comments about the other poems that were submitted here.

TristanCafe Pinoy Poetry Forum
Start a New Topic 
Author
Comment
Hindi man nakapag-paalam...

Naaalala ko pa...
Isang araw nagkakilala tayo.
nakipagkilala ka sa akin
dahil wala kang ibang makausap non.
nasa pagamutan tayo.

sabi mo nandito ka para samahan ang iyong ina
at ako namay ganoon din..
sa hinabahaba ng oras
naging masarap ang ating kuwentuhan,

hindi ko lang man namalayan
nai-bigay ko na pala sa iyo ang aking
number. sabi mo
tatawagan mo ko nung gabing yon..

nang dumating ang gabi,
akoy naghintay. at ikaw nga ay tumawag,
at muli tayong nagkuwentuhan ng matagal.
habang kausap kita,

parang nararamdaman ko na..para bang..
matagal na kitang kilala..
At sa tingin ko ay parang nahuhulog na
ang loob ko sa iyo,Napaka bilis
ngunit alam ko na totoo ang nararamdaman ko.

At nang nag-paalam na tayo sa isat-isa.
Sinabi mong babalik kayo sa ospital
bukas,at gusto mong makipagkita muli..

nasabik ako,Dahil sa lahat naman ng
pagkakataon,kami rin ay babalik kinabukasan.

ngunit pagdating ng araw ay hindi
kami natuloy ng aking ina..
ang sama-sama ng aking loob..
Sana ay hindi ka naghintay ng matagal..
Patawad..

Tinawagan mo ako nung gabing iyon.
at sabi mo "naghintay ako"..
"bakit hindi ka dumating?"..
Sinabi ko ang buong dahilan.

May lungkot akong nararamdaman mula sa iyo.
At tinanong kita kung bakit,
sinabi mo "baka hindi na tayo muling magkita.."
"Kung sinipot mo lang ako..."

hindi mo tinapos ang sinabi mo,
at akoy nagpaulit-ulit sa pagtanong
kung ano ang ibig mong sabihin..

ngunit binaba mo ang telepono!
nang hindi man lang nag papaalam at
wala man lang ibang salita mula sa
naputol mong linya..

napa-iyak ako noong gabing iyon..
hindi ko ma-isip kung bakit,
akoy malungkot na malungkot.

ikaw ang nasa isipan ko buong gabi.
Nang kami ay nagbalik sa ospital,
hiniling ko na ikaw rin ay nandoon..
dahil akoy malungkot parin.

Nakita ko ang iyong ina..
Nasiglahan ako! at inisip ko
na ikaw rin ay nandoon.

nang ako ay lumapit sa kanya,
nakita kong siya ay lumuluha.
Ipinag tanong kita at hinanap kita,

ngunit ang lahat ng kanyang sinabi ay
"ikaw ba ang kaibigan ng anak ko?"
"naghintay siya.."
"ngunit hindi na siya makapaghintay ng matagal.."
"tinawag na siya sa itaas.."
"Doon nalang daw siya mahihintay.."

Nabigla ako,at napaluha ng lubos-lubusan..
Ang akala ko ay ang ina niya ang kanyang sinasamahan
noon..
Siya ay nag-sinungaling..
At iyon pala sana ang kanyang
ipagtatapat..

kung ako lang ay dumating,
Sanay nakapag-paalam man lang
sana siya at ako
sa isat-isa..

Hindi ka man nagpaalam noon,
Ngayon Tayo muli ay magkakatagpo..
Ilang taon ka man naghintay,
Sa wakas ay muli na kitang
masisilayan.