TristanCafe Pinoy Poetry Forum

Contribute your poetic masterpieces here. Anything and everything is welcome, including clumsy poems that you wrote during first-year high school. Also, feel free to post comments about the other poems that were submitted here.

TristanCafe Pinoy Poetry Forum
Start a New Topic 
Author
Comment
Kahapon...

Kahapon…

Kahapon…
Nandoon ako sa may bintana
Wala lang… e wala kasi akong magawa…

Tapos paglingat ko…
Nakita kita… nakita na naman kita…

Hay! Buhay nga naman!
Minsan hindi ko maintindihan
Kung ano nga bang mararamdaman…

‘Pag nakikita kita…
Masaya ako…

Ay hindi pala! Naaasar pala ako sa’yo...
Nakalimutan ko…
May atraso ka pa nga pala sa akin…

Dati…
Kahit anong sabihin nila tungkol sa’yo
Wala akong pakialam…

Kahit pa sabihin nila
Ang lahat ng bagay na alam kong masakit para sa’yo
Hindi ko pinapansin…

Kasi…
Para sa akin…
Isa ka sa mga perpektong ginawa
Ng Diyos sa mundo…

Ikaw ‘yung isa sa mga bagay
Kung bakit sumasaya ang mga tao…

Kung bakit ako sumasaya…

Noon ‘yun…
Nung hindi ko pa nakikitang…
Nasasaktan mo na pala ako…

Oo, pero hindi nga lang pansin
Pero sa bawat araw na nakikita kita ngayon
Hindi ko maiwasang isipin
Kung bakit sa dinami- dami
Ng nilalang na nabubuhay dito sa mundo

Sa’yo ko pa naramdaman ito…

Ilang beses ko ring tinanong sa sarili ko ‘yan…
Ilang araw…
Ilang linggo…

Ilang buwan ko ring pinag- isipan
Kung bakit nga ba…

Kaya lang…
Hindi ko rin masagot…

Ewan ko kung bakit…

Sa tuwing pinagmamasdan kita
Tinatanong ko ang sarili ko
Kung ano nga ba ang nagustuhan ko sa’yo…

Kaya lang…
Hindi ko rin masagot…

Kahapon…
Nakita kita…
Naglalakad habang papalapit…

Biglang lumungkot ang pakiramdam ko
Parang bigla na lang…
Gusto ko nang umiyak…

Alam mo kung bakit…
Kasi hanggang ngayon…
Naiinis akong isipin
Kung bakit nawala kang bigla sa buhay ko

Bakit hindi na ikaw ‘yung taong gusto ko laging makita?
Bakit hindi na ikaw ‘yung taong gusto kong makausap?
Bakit hindi na ikaw ‘yung lagi kong hinahanap ‘pag hindi ko nakita?
Bakit hindi na ikaw ‘yung naiisip ko ‘pag wala akong ginagawa?
Bakit parang sa isang iglap…
Lahat ng nararamdaman ko para sa’yo ay naglaho…

Siguro…
Kasi napagod na rin ako…

Na iyakan…
Ang lahat ng bagay
Na akala ko ay magkakatotoo

Hindi pala…
Nagkamali ako…

Akala ko kasi noon…
Ikaw na ‘yung tao na matagal ko nang hinihintay
Nagdasal pa ‘ko noh para lang dumating ka

Tapos…
Hindi pala…
Kasi…
Hiniling pala kita para mapunta sa iba…

Pero ayos lang…
Hindi ko na rin naman ‘yun nararamdaman ngayon…
Kasi kapag nakikita kita…
Naaalala ko na lang ‘yung tao
Na mas pinahalagahan mo…
Higit pa sa nakita mong pagpapahalaga ko sa’yo

Alam mo, nakakainis ka…
Kasi kahit kailan…
Kahit anong gawin ko…
Siya pa rin…
Ang mas pinapansin mo…

Masakit…
Pero tanggap ko…

Kahapon lang naman ‘yun e…
Kahapon ko lang naman naramdaman ‘to…

Sabi nga ni sir…
Ang kahapon… parte na lang siya ng ngayon…

Pero masaya ako…

Kasi kahit kahapon lang kita minahal…
Dumating pa rin ‘yung panahong iyon…

Malay mo…
Bukas…
Maging kahapon ulit…